Zanjoe Marudo denies breakup rumor with girlfriend Bea Alonzo
Pagtatanggol ni Zanjoe Marudo sa sarili kaugnay ng balitang nagli-link sa kanya sa ibang babae, "Alam naman niya [Bea Alonzo] yun kung gaano ako ka-loyal sa kanya. Parang sa tagal ko naman dito, never akong gumawa talaga ng kalokohan. Kahit itanong natin sa mga babae dito sa industriya, wala akong number nila. Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako yung tipo ng ganun. Itinanggi ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang balitang hiwalay na diumano sila ng kasintahang si Bea Alonzo. Noon pa naman ay sinasabi ng dalawa na kawalan ng oras sa isat isa ang kanilang problema dahil parehong hectic ang kanilang schedule.
pero ilang beses na ring lumabas ang mga kuwento na nagkukuwestiyon sa katapatan ni Zanjoe kay Bea. Kung dati ay dinadaan sa blind items, may mga pagkakataong pinangalanan na rin ang aktor na nakikipagkita raw sa ibang mga babae. Pero pagtanggi ni Zanjoe, Wala naman, hindi totoo yun. Walang ganung nangyari sa relasyon namin, masaya kami. Tsismis lang yun. May mga tao siguro na gustong maghiwalay kami kaya gumagawa ng ganung isyu.
Muli ring pinabulaanan ni Zanjoe ang usap-usapang nag-uugnay sa kanya sa ibang mga babae. Saad niya, Alam naman niya [Bea] yun kung gaano ako ka-loyal sa kanya. Parang sa tagal ko naman dito, never akong gumawa talaga ng kalokohan. "Kahit itanong natin sa mga babae dito sa industriya, wala akong number nila. Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako yung tipo ng ganun. Hindi naman ako guwapo, hindi naman ako habulin ng mga tsiks, so bakit naman ako magiging ganun ang ugali ko. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng guwapo, e, ganun, ha
Katulad ni Bea, inamin ni Zanjoe na oras talaga para sa isat isa ang problema nila dahil sa dami ng kanilang ginagawang mga proyekto.